Idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1148 ang February 28, 2026 bilang Special (Non-Working) Day sa Bayan ng Tanza, bilang paggunita sa 112th Araw ng Tanza.
Nilagdaan ang proklamasyon sa ngalan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas upang bigyang-daan ang mga Tanzeño na makibahagi sa mga nakahandang aktibidad at pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito para sa bayan.
Ito ay bilang pagkilala sa kasaysayan, kultura, at tuloy-tuloy na Serbisyo at Malasakit sa Bayan ng Tanza.