Handog ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang Bakuna Kontra Pulmonya (PCV13) na gaganapin sa December 17, 2025, Miyerkules ng umaga, sa bawat Barangay Health Station.
Sasaklawin ng pagbabakuna ang mga batang 6 weeks–12 months old para sa routine immunization, at 13–59 months old para sa mga wala pa o kulang pa sa kanilang PCV13 doses.
Hinihikayat ang mga magulang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Barangay Health Station para sa karagdagang impormasyon


